Papawis lamang ni Floyd Mayweather Jr ang pagharap kay Youtube sta Logan Paul sa eight round exhibition fight. Ang laban ay idinaos sa Hard Rock Stadium sa Miami.
Si Mayweather ay may bigat lamang na 155lbs. Samantalang si Logan ay 189.5 lbs. Gayunman, medyo pinahirapan ng undefeated American pug ang social media vlogger.
Pero, dahil sa laki ni Paul, medyo pinawisan din ang tinaguriang ‘The Money’.
Kabilang sa mga nanonood ng live sa balwarte ng Miami Dolphins sina heavyweight champion Evander Holyfield. Gayundin si 3-time Superbowl champion at Inside NFL analyst Michael Irvin.
Nanood din si NBA player Matt Barnes.
Dahil sa ang laban ay exhibition lamang, walang judges na nagtatala ng suntok. Ang batayan lamang ng pagiging panalo ay kapag napatigil o na-knock-out ang kalaban.
Pero, marami ang nadismaya sa laban ng dalawa.Lalo na sa patakbo-takbo ni Mayweather sa lona. Gayundin ang hindi pagiging sobran agresibo ni Paul.
Na sa kabila ng laki nito, hindi napuruhan si Floyd. Kaya nasabi ng iba, set-up lang ang laban.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2