NAGING viral sa social media ang istilo nang pag-upo ni KC Concepcion. Sa iba ang dating nito ay maganda ngunit sa iba naman, ito’y malaswa dahil kita na ang maputing singit niya.
Pero kung tutuusin, isa lamang itong gawi ni KC na ipinakikita niya na kung ano siya. Sa ibang bansa kasi normal lang ang ganyang istilo ng pag-upo, dito lamang sa ating bansa pala puna at iniintriga pati istilo ng pag-upo.
Sabi nga niya, kung meron tayong exotic food ay ito naman daw ang exotic pose ng kanyang pag-upo na kita namang ini-enjoy niya ang kanyang ginawa na naging viral nga sa social media.
Dedma lang si KC doon sa mga netizens na hindi nila feel ang ginawang pose ng actress sa kanyang Instagram na umani naman ng papuri sa iba. Sa iba kasi maganda ang dating ng kanyang ginawa. Sa iba, malaswa at bastos at nakakasira nang dignidad daw ng pagka-babae.
Para kay KC Concepcion, ipinakita lamang niya na ang mga tao ay may kalayaang gawin ang gusto nilang gawin. Kaya malaya niyang nagagawa ito, pero ang masaklap ay may mga taong hindi nila matanggap ang ganuong klase nang pag-upo na ipinakita niya sa kanyang Instagram, kaya siya binash ng mga ito.
Dito KC SA Pilipinas marameng isyo..kaya nga sikat Tayo SA chismiss dahil lahat dito na pakelaman na….stile inggit Lang yata sila…mam KC injoy Lang Kong ano ginagawa nyo Basta be safe Lang lagi god bless you