November 15, 2024

Exclusivity Deal ng Singapore sa Swift concert inalmahan ni Cong. Salceda

Inalmahan ni Albay 2nd Dist. Joey Salceda ang sinasabing exclusivity deal na namagitan sa Singapore at  AEG production company para sa parating na concert ni Taylor Swift sa nasabing bansa.

Ayon kay Salceda ang nasabing exclusivity terms na ipinagkaloob sa AEG na di-umano ay nakapaloob sa $3 milyong grant ng Singapore sa kondisyon na walang magaganap na concert sa ano mang bansa Asia ang international pop artist na si Taylor Swift.

“Some 3 million USD in grants were allegedly given by the Singapore government to AEG to host the concert in Singapore. The catch was that they di not host it elsewhere in the region,” saysay pa ni Salceda.

Idinagdag pa ni Salceda na ang sinasabing pag kopong ng pamahalaan ng Singapore at pagpirma sa exclusivity terms ay pagpapakita ng di magandang relasyon bilang kapitbahay na bansa.

Kaugnay nito, pinapakilos ni Salceda ang Department of Foreign  Affairs ng Pilipinas upang hingan ng  paliwanag ukol sa exclusivity deal ang embahada ng Singapore.

Binigyang diin ni Salceda ba hindi maganda sa umiiral na relasyon sa pagitan ng mga bansang sakop ng Asean ang exclusivity deal sakaling ito ay totoo.

Sa isang  banda, sinabi ni Salceda na hindi din naman masisisi ang Singapore na makipag exclusivity deal sa AEG Productions dahil na rin sa malaking tulong nito sa parte ng turismo at pagnenegosyo ng kanilang bansa.

Sa kabila ng magandang layunin ng Singapore, hindi naman ito maganda para sa katayuang pang-ekonomiya ng ibang Asean countries, dagdag pa ng House Ways and Means Chair Joey Salceda.

”I give it to them that the policy worked. Regional demand for Singaporean hotels and airlines was up to 30 percent over the period. I estimate that the exclusivity term caused and increase in industry revenues by USD 60 million. So, the grant produced 30 times more in economic activity, ” paliwanag pa ni Salceda.