Kasama sa rumesponde ang Barangay Karuhatan sa pamumuno ni Kapitan Martell Soledad at Ex-Ugto Ignacio nang salakayin ang isang warehouse ng Excel Bright Wesafe Corp., sa Barangay Karuhatan, Velenzuela City dahil sa umano’y pagkabigo na magbayad ng utang na nagkakahalaga ng P250 milyon ang nasabing kompanya.
Nagpalabas ng writ of execution ang Taguig Regional Trial Court matapos magsampa ng kaso si Chen Shi Bei, alyas Joel Lim, laban sa negosyanteng si Lin Zhi Ming, alyas Vincent Lim, Carla Gerona Lagaran at sa nasabing kompanya para bayaran ang utang na iniutos ng korte.
Ipinag-utos din ng korte na bayaran ng nasabing mga akusado ang lahat ng nagastos ni Bei sa paglilitis.
Inatasan ni Judge Antonio Olivete ng Taguig RTC Branch 267 ang Branch Court Sheriff na si Crispin Maravilla na ipatupad ang writ of execution.
Dahil dito, pinuntahan nitong March 20, 2024 ni Maravilla kasama sina Soledad at Ignacio at iba pa para kuhanin ang ilang properties ng kompanya at taong may utang na hindi exempted sa batas at ito’y ibebenta sa isang public auction.
Ang pagbebentahan na pera ay ibabayad sa nagpautang kasama ang lahat ng gastos habang ang natitirang pera ay ibabalik sa kompanya.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA