Ikinamada ni dating Ukrainian tennis player na si Sergiy Stakhovsky ang sarili sa military reserves ng Ukraine. Ito’y sa layung labanan ang puwersa ng Russia sa kabila na wala siyag karanasan sa military. Katunayan, kinumpirma niya ang kanyang pagsali sa military sa kanyang Twitter account.
Markadong tennis player si Stakhovsky na nakaabot ng singles. Dinaig niya noon si Roger Federer sa Wimbledon 2013. Sa ngayon ay rumekta siya at ang kanyang pamilya sa Hungary upang magin g ligtas sa tensyon.
“Of course, I would fight, it’s the only reason I’m trying to get back,” aniya nang tanungin ng Skysports.
“I signed up for the reserves last week. I don’t have military experience but I do have experience with a gun privately,” aniya.
Hinimok din ng 36-anyos na kelot ang mga tao sa Europa na magprotesta kontra sa Russian invasion. Sa gayun ay humupa na ang tensiyon at matigil na ang gulo.
More Stories
SIKARAN ASSOCIATION MARAPAT NANG KILALANING NSA NG POC – CUEVAS
DEP ED TANAY SIKARAN HIGHLANDERS BEST BETS PAPAKITANG GILAS NGAYON SA RIZAL PROVINCIAL MEET
Bachmann ng PSC, Reyes ng PCSO papalo sa Plaridel golfest