KINUMPIRMA ni PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr, na isang dating police officer na lider ng notoryus na Magpali Gun for Hire Criminal Group ang naaresto sa Pangasinan, na nag-o-operate sa La Union at Region 1 na target ang mga high profile na politiko.
Kinilala ni Azurin, ang na-dismiss na pulis na si PLtCol Wilson Magpali na nadakip ng mga operatiba ng Luzon Field Unit ng Philippine Naitonal Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) kahapon sa Brgy. Legaspi, Tayug, Pangasinan sa bisa ng warrant of arrest sa kasong ‘murder’ na inilabas ni Presiding Judge Nyerson Dexter Tito Quilala Tualla ng Regional Trial Court, First Judicial Region, Branch 28, San Fernando City, La Union na walang piyansang inirekomenda.
Narekober kay Magpali ang isang Caliber 9mm Berreta Pistol na may Serial Number na M14880Z, na may PNP property markings at tatlong magazine na may mga bala.
Sa ngayon, ituturn over ang dating pulis sa korte para kaharapin ang kasong kanyang kinasasangkutan. (AIDA TAGUICANA)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA