Nagpositibo si dating President Joseph “Erap” Estrada sa COVID-19.
Ito ang kinumpirma ng kanyang anak na si dating Senator Jinggoy Estrada sa DZBB Super Radyo kahapon, Marso 29.
Sa panayam, sinabi ng nakababatang Estada na isinugod sa ospital noong Linggo ng gabi ang kanyang ama at na nasa maayos na ngayong kondisyon.
Kinumpirma rin ng iba pa niyang anak na sina dating Senator JV Ejercito at actor Jake Ejercito ang naturang balita sa kanilang social media accounts nitong Lunes ng umaga.
Si Estrada ay naging Pangulo noong 1998 hanggang 2001 at napatalsik matapos ang “EDSA Dos,” isang serye ng protesta sa EDSA na isinagawa mula Enero 16 hanggang 20 sa gitna ng paglilitis kay Erap dahil sa kasong plunder. Kalaunan ay binigyan din siya ng pardon ni dating President Gloria Macapagal-Arroyo, na siyang pumalit sa kanyang puwesto.
Naglingkod din siya bilang mayor ng Maynila sa loob ng dalawang termino – mula 2013 hanggang 2019. Hindi na siya pinalad noong 2019 election para sa kanyang huling termino nang pabagsakin siya ni Mayor Isko Moreno.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE