
PATAY ang isang dating basketball player matapos barilin ng hindi pa nakilalang suspek sa Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Ken Fred “Kentoy” Segura, na dating naglaro sa National Collegiate Athletic Association at Maharlika Pilipinas Basketball League, na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan.
Ayon sa Cotabato Police Provincial Office, maglalaro sana si Segura at kanyang pamangkin sa Barangay Pulanglupa. Nagtanong-tanong pa ang dalawa sa mga residente roon kung saan ang daan papunta sa basketball court nang biglang dumating ang gunman at binaril sila.
Nagawa pang kuhanin ng suspek ang sasakyan ng biktima para tumakas.
Nakaligtas naman ang kanyang pamangkin sa pamamaril.
Naharang naman ng mga pulis sa isinagawa nilang operasyon ang sasakyan na tugma raw sa ginamit na sasakyan ng salarin.
Nakatakas ang driver nito pero nahuli ang kasama nitong babae. Parehong silang itinuturing person of interes sa kaso. Patuloy pa ng imbestigasyon ng pulisya sa posibleng motibo sa krimen.
More Stories
Bagong PCO chief, wagi sa P206-M PCSO deal? JAY RUIZ DARAAN SA BUTAS NG KARAYOM SA COMMISSION ON APPOINTMENTS
PCSO at Bayanihan Sands nangibabaw sa 11th CAMI Clark Golf Cup
Davao Occ. Tigers COCOLIFE… ANG PAGBABALIK NG TIGRE SA MPBL!