January 20, 2025

Ex-Mayor ng Lobo, Batangas muling inihabla sa panibagong kaso ng katiwalian 

MULING nagpalabas ng kautusan ang Office of the Ombudsman na pirmado ni Ombudsman Samuel R. Martires, para ipatupad ang order of suspension laban sa tatlong Local Government Unit Officials ng Lobo, Batangas sa pangunguna ng nadismiss na si Mayor Lota Manalo, at damay rin sina Municipal Accountant Ethel DC. Magnaye at Municipal Treasurer na si Leandro Canuel, na nahaharap ngayon sa mga kasong administratibong Grave Misconduct and Conduct of Prejudicial to the Best Interest of the Service dahil sa paggastos ng pondong nakalaan para pambili ng Solar- Powered Water System na nagkakahalaga ng P5,000.00.00. na ginamit na pambili ng isang unit ng back hoe heave equipment.

Base sa mga isinumiteng ebidensya at dokumento sa Office of the Ombudsman ipinakita ang kopya ng Notice of Authority to Debit Account na may petsang November 28, 2022 na para pahitulotan si Mayora Manalo, isang Certification of Availability of Trust Fund na may petsang February 15, 2023 na inisyu ng opisina ni Magnaye na pirmado rin ni Canuel  para sa pagbili ng nasabing heavy equipment sa kumpanya ng KFour Enterprises subalit ginawa lamang umano ng dalawa ang kanilang trabaho dahil sa utos at impluwensya ng dating alkalde na si Manalo.

Isinumite rin ang isang Certification na nagpapatunay na ang perang limang milyon piso ay nakapangalan sa proyektong Solar-Powered Water System na may petsang April 27, 2023 pirmado ng Bureau of Treasury sa Region IV-A.

Dahil sa bigat ng mga nakolektang dokumento at ebidensya laban sa tatlong inirereklamo ay nagkaroon ng basehan ang Ombudsman na isailalim sa preventive suspension ng anim na buwan ng walang suweldo sina Manalo, Magnaye at Canuel sa ilalim ng Section 9 Rule III of Administrative Order No.7 at Section 24 ng Republic Act 6770 at posibleng pagkatanggal ng tuloyan sa kanilang mga opisina sa gobyerno ang kakaharapin ng tatlo kapag napatunayan ang kanilang mga sabwatan.

Maliban sa suspension order nauna ng nagpatupad ng Dismissal from the Service ang Office of the Ombudsman laban kay Mayora Lota L. Manalo, dahil sa inihablang kaso ni Ginoong Efren M. Ramirez ng Efren Ramirez Construction Corporation para sa  kasong pangigipit at paghingi ng “under the table” o “lagay” Corruption ni Manalo at posibleng hindi na matuloy ang pangarap nito na muling pagbalik at pag upo sa puwesto ng nasibak na alkalde dahil may iba pa umanong kaso itong kakaharapin dahil sa nangyaring raid ng NBI nuon April 2024 sa Lobo laban sa iligal na sugal na “STL-Jueteng” o paglabag sa PD 1602 as Ammended of RA 9287 Anti-Illegal Gambling Law. (KOI HIPOLITO)