December 26, 2024

EX-MARIKINA MAYOR BAYANI FERNANDO PUMANAW MATAPOS MAHULOG SA BUBONG

PUMANAW na si dating Marikina Mayor Bayani Fernando sa edad na 77.

Ito ang kinumpirma ng kanyang mga kaibigan at dating kasamahan ngayong araw.

Nagpadala na rin si Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo sa mga naulilang pamilya ni Fernando at sa buong suyidad ng Marikina.

Aniya, maituturing na ama ng modernong panahon ng Marikina ang dating local chief executive.

“Taos-pusong pakikiramay sa pamilya Fernardo at buong bayan ng Marikina. Mananatili ang iyong legasiya sa Marikina nating mahal. Salamat BF, ang ama ng Modernong Marikina, sa iyong paglilingkod,” saad ni Quimbo.

Nakikisimpatiya rin sa pamilya ng naulila ni Fernando ang Metro Manila Development Authority (MMDA), na dati ring pinamunuan ni Fernando noong panahon ng administrasyong Arroyo.

“The [MMDA] is deeply saddened and shocked about the sudden demise of former Chairman Bayani F. Fernando, who served the Authority from June 5, 2002 until November 25, 2009,” saad ng MMDA.

“A mechanical engineer by profession, Chairman Fernando used scientific and practical approaches in his quest to solve the problems of Metro Manila,”  pagbibigay-diin nito.

“A man of few words, Fernando is known to be a workaholic and a disciplinarian among MMDA employees,” pagpapatuloy pa nito.

Sa kasagsagan niya ng chairmanship sa MMDA mual 2002 hanggang 2009 – isa sa mga pinaka ‘di malilimutan niyang kampanya ay ang ‘Metro Gwapo’ kung saan ay pinaganda ang Metro Manila sa pamamagitan ng paglilinis dito at bagong bihis na pintura.

Taong 1992 nang unang mahalal si Fernando bilang alkalde ng Marikina, kung saan nasaksihan ang pagbabago ng Marikina mula sa pagiging munisipalidad hanggang sa maging modernong siyudad.

Ang impormasyon umano ay nahulog mula sa bubungan ng kanyang bahay si Fernando.