ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si dating Land Transportation Office (LTO) chief Teofilo Guadiz III bilang bagong Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chief.
Ayon sa Office of the Press Secretary (OPS), nilagdaan ni Marcos ang appointment paper ni Guadiz noong Disyembre 9. Pagkatapos ay nanumpa na it okay Executive Secretary Lucas Bersamin.
ADVERTISEMENT “Pursuant to the provisions of existing laws, you are hereby appointed chairman, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Department of Transportation,” nakasaad sa appointment paper ni Guadiz.
Pinalitan kamakailan lang si Guadiz sa LTO ni Jay Art Tugade, ang nakababatang anak ni dating Transportation Secretary Arthur Tugade, na nagsilbi noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON