
NATAGPUANG wala ng buhay loob ng kanilang bahay sa Tennessee ang dating drummer ng sikat na rock band na “My Chemical Romance” na si Bob Bryar. SIya ay 44-anyos.
Ayon sa ulat sa ilang news website, walang play na naganap sa pagpanaw ni Bob dahil hindi nagalaw o nawala sa mga gamit ng drummer. Sa kabila nito patuloy pa rin iniimbestigahan ang sanhi ng kanyang pagkamatay.
Nadiskubre ng Animal Control ang katawan ni Bryar, na huling nakitang buhay noong Nobyembre 4.
Naging miyembro si Bryar ng My Chemical Romance noong 2004, na pinalitan ang original na drummer ng banda na si Matt Pelissier. Nakapag-ambag siya sa 2006 album ng banda na . The Black Parade” at “Danger Days: The True Lives of the Fabulous Killjoys” noong 2010 at nakatugtugan nila hanggang 2010.
Nagbigay-pugay naman ang mga fans at inalala ang mga panahon noong siya ay nasa banda.
More Stories
43rd PAL Manila Marathon, Babalik Na sa Hunyo 22
BARIL NG PULIS, PALITAN NG BOLO – PNP CHIEF TORRE (‘Pag di pumasa sa marksmanship)
Suspek Patay sa Buy-Bust sa Pasig; Dawit sa Ilegal na Bentahan ng Baril at Iba Pang Krimen