IPINAWALANGSALA ngayong Martes ng Sandiganbayan si dating Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa kasong graft at falsification of documents na isinampa laban sa kanya.
Paliwanag ng korte, hindi napatunayan ng prosekusyon ang pagkakasala ni Echiverri sa mga nasabing kaso.
Inabswelto rin ng korte ang iba pang dating opisyal ng Caloocan na sina Edna Centeno, Jesusa Garcia, Russel Ramirez at Evelina Garma.
Kinasuhan ng Office of the Ombudsman noong 2018 ang mga nasabing opisyal dahil sa pagbili ng life insurance para sa mga opisyal ng barangay at tanod, na hindi umano dumaan sa bidding.
“Life insurance cannot be considered to be a highly specialized type of product where only a few suppliers are known to be available. The resort to limited source bidding was not justified,” ayon sa prosekusyon sa unang manifestation na kanilang isinumite sa korte.
Nag-ugat ang kaso sa inilaan na pondo na nagkakahalaga ng P14 milyon sa ilalim ng Annual Investment Plan at Maintenance of Peace and Order Program ng Caloocan City noong 2013.
Dumalo ang lahat ng akusado sa promulgation maliban kay Echiverri na dumalo via video conferencing sapagka’t naka-confine ito sa Makati Medical Center dahil sa sakit sa bato.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA