
Kuminang si Evan Fournier sa pagbitay ng New York Knicks sa Sacramento Kings, 116-96. Tinapos din ng Knicks ang kanilang three-game losing streak sa huling 8 laro.
Bumira ang French ‘deadeye’ shooter ng 18 points. Kung saan, 16 rito ay naibuslo sa 1st quarter.
Kumana naman ng score team-high na 21 points si Alex Burks of the bench. Kapwa nag-ambag naman ng tig-14 points sina Quentin Grimes at Obi Toppin.
Si RJ Barrett naman ay lumagare ng 11 points. Habang si Julius Randle naman ay tumipa ng 17 points at 9 boards.Nine points at 13 rebounds naman ang ibinigay ni Mitchell Robinson sa Knicks.
More Stories
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo
BENHUR ABALOS SUPORTADO ANG LABAN NI AGM BERNARDINO SA AUSTRALIA