Arestado ang isang pulis dahil sa illegal discharge of firearm na nagresulta sa physical injury ng isang estudyante na nangyari umaga nitong Lunes, Marso 11, 2024 sa kahabaan ng P. Guevarra Street, corner Fugoso Street, Sta. Cruz, Maynila.
Kinilala ni Police Brigadier General Arnold Thomas Ibay, District Director ng Manila Police District, ang suspek na isang aktibong miyembro ng PNP na si Patrolman Ed Emmanuel Enguerra, 32 taong gulang, at residente ng 1007 P. Guevarra Street, Barangay 311, Sta. Cruz, Maynila, at kasalukuyang nakatalaga sa Manila Police District Drug Enforcement Unit, at ang biktima na si Jasmine, 18 taong gulang, estudyante, at residente ng Sta. Cruz, Maynila
Kasama ang suspek at ang kanyang mga kaibigan ay nagdiriwang sila sa binyag para sa kanyang pamangkin. Sa kasagsagan ng inuman, dumating ang kanyang asawa na si Jolina Consolacion at pinagalitan siya sa harap ng kanyang mga kaibigan dahil sa hindi pag-uwi kahit madaling araw na.
Dahil sa hiya, kinuha ng suspek ang kanyang baril sa loob ng compartment ng kanyang motorsiklo. Habang hawak-hawak ang kanyang baril, sinubukan siyang pakalmahin ng kanyang mga kaibigan, sa kasamaang palad ay nakalabit nito ang gatilyo ng kanyang baril at tumama sa kanang hita ng biktima. Isinugod ang biktima sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center at saka inilipat sa Metropolitan Hospital.
Agad namang nadakip ang nabanggit na suspek sa loob ng kanyang tirahan at narekober ang kanyang service firearm na isang (1) .9 mm Canik Pistol, isang (1) empty cartridge na naka-jam sa loob ng bariles, dalawang (2) magazine, 23 pirasong bala, isang (1) PNP I.D.
Isinailalim siya sa medical examination sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center at nagpositibo sa alcoholic breath. Siya ay nahaharap sa kasong Illegal Discharge of Firearm at Reckless Imprudence resulting in Physical Injury.
“Hindi namin tinotolerate ang ganitong klaseng pag-uugali ng ating mga pulis dito sa Maynila kaya tinutukan natin ang mga pangyayari na ito at pananagutin natin sya,” ani PBGen Ibay.
“Sa mga pulis natin, kung pwede ay iwasan ang pag-inom at kung hindi naman maiwasan lalo na sa ganitong klase ng mga okasyon ay in moderation lang, yung kaya lang ng katawan natin,” dagdag pa ni PBGen Ibay.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA