PATAY ang isang Grade 5 student sa Antipolo, Rizal matapos umanong sampalin ng kanyang guro.
Ayon sa ina ng biktima, nakaramdam ng pananakit ng tainga ang kanyang anak na si Francis Jay Dumikib matapos ang nangyaring pananampal.
Bigla na lamang itong natumba, nagsuka at isinugod sa ospital.
Base sa record ng ospital, nagkaroon ng brain hemorrhage ang pasyente at namatay makalipas ng 11 araw na pananatili sa ospital.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente.
Samantala, umapela ang pamilya ng biktima kay Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte na mabigyang ng hustisya ang pagkamatay ng bata.
Problemado rin ang pamilya sa bayarin sa ospital at pagpapalibing.
Ayon sa DepEd, kinausap na nila ang principal ng eskwelahan at hinihintay na ngayon ang report. Nakatakda ring puntahan ng DepEd superintendent ang ekswelahan bukas.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA