NAGPAPATULOY hanggang sa ngayon ang ginagawang follow up investigation ng mga tauhan ng Batangas City Police Station upang agad madakip ang hindi pa kilalang suspek na magnanakaw sa mga gadgets na gamit sa eskuwelahan ng Balagtas Elementary School noong Linggo ng gabi.
Base sa salaysay ng Principal ng nasabing eskuwelahan na si Ginang Mildred Lontoc, sa mga imbestigador na may hawak ng kaso, pumasok sa loob ng paaralan ang hindi pa tukoy na suspek at sinira ang mga padlock ng pintuan ng mga kuwarto bago isa-isang nilimas ang 43 Samsung Tablets na nagkakahalaga ng P537,414 at isang Acer Laptop na worth P40,000. bago tumakas sa ‘di pa tukoy na direksyon.
Hiniling na rin ang tulong ng Scene of the Crime Operatives o SOCO para matukoy at makilala ang posibleng nagnakaw at nanlimas sa mga gadgets na gamit sa eskuwelahan. (Erichh Abrenica)
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA