BINULABOG ng bomb threat ang isang eskuwelahan sa Navotas City, Martes ng madaling araw.
Ayon kay PCpt Luisito Dela Cruz, duty SDO ng Navotas police, dakong ala-1:40 ng madaling araw nang makatanggap sila ng text mula sa “Text JRT” na naglalaman ng “Magandang Umaga po ako po ay magrereport at hihingi ng tulong na mabangtayan ang San Roque National High School dahil may kumakalat na threat na bobombahin at pamamaril bukas sa messenger. Para po sa kaligtasan. at kapanatagan ng loob ng mga taong papasok doon bukas. Maraming salamat po.”
“Good day po. Hingi po sana kami ng tulong may pagbabanta pong natanggap ang aming coteacher na nagsasabing pasasabugin ang school at mamamaril sa paaralan. Hingi po sana kami assistance, san roque national hs po ito.”
“May bomb threat sa San Roque National High School. Please pakibigyan po agad ng action. Malapit na pong pumasok ang mga estudyante at mga empleyado.”
Kaagad naman rumesponde ang mga tauhan ng Sub-Station 2 at Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU) ng Navotas police sa San Roque National High School located na matatagpuan sa Leongson St., Brgy. San Roque, para magsagawa ng police visibility.
Dakong alas-4:13 ng madaling araw nang ipakalat sa naturang lugar ang mga tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) at Explosive Ordnance Disposal (EOD) team para magsagawa ng police security at paneling operation sa koordinasyon sa duty lady guard ng paaralan na si Elizabeth Lepasana.
Bandang alas-5:20 ng madaling araw nang ideklarang cleared ng mga pulis ang nasabing paaralan matapos wala silang makitang pampasabog o IED sa nasabing lugar.
Nanatili namang nakabantay sa nasabing paaralan ang mga pulis habang patuloy ang kanilang imbestigasyon upang matukoy kung sino ang nagpakalat ng nasabing bomb threat.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW