INABSWELTO ng Senate blue ribbon committee si Executive Secretary Vic Rodriguez kaugnay ng kontrobersyal na importasyon ng 300,000 metric tons ng asukal.
Sa committee report ng Blue ribbon na pinamumunuan ni Sen. Francis Tolentino, tanging sina dating Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian, dating Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Hermenegildo Serafica at dating SRA board members na sina Roland Beltrand at Aurelio Valderrama ang pinakakasuhan ng graft.
Matatandaang pumirma sina Sebastian, Beltran at Valderrama sa ipinalabas na Sugar Order number 4 na nag-aapruba sa importasyon ng 300,000 metric tons ng asukal.
Umamin naman si Sebastian na pumirma siya para kay Pangulong Bongbong Marcos ngunit iginiit na may kapangyarihan siyang pumirma matapos ang ipinalabas na kautusan ni Rodriguez noong Hulyo 15, 2022.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA