December 25, 2024

EROPLANO BUMAGSAK; STUDENT PILOT TIGOK

Nagtutulungan na ang Civil Aviation Aurhority of the Philippines at ang PNP Aviation Security Group sa imbestigasyon sa pagbagsak ng Tecnam P-2010 aircraft sa Barangay Urayong Bayan sa Bauang, La Union kamakalawa.

Sa nasabing trahedya, namatay ang 25-year old na student pilot ng First Aviation Academy (FAA) na nakabase sa  Subic Bay International Airport sa Zambales.

Nabatid na nagsasagawa ng solo cross-country flight ang hindi muna pinangalanang student pilot nang bumagsak ang eroplano

Batay sa flight plan na isinumite ng aviation school, ang aircraft ay nanggaling ng  Iba Airport sa Zambales, at ang ruta nito ay La Union Airport at Lingayen Airport, bago bumalik muli ng Iba Airport.

Nadiskobre ang mga labi ng student pilot sa mismong crah site kung saan nakita ang hiwa-hiwalay na ibang bahagi ng eroplano sa baybayin ng  Barangay Urayong sa Bayan ng Bauang, La Union.