Kabilang isang Pinoy na pulis na nasawi sa salpukan ng isang eroplano at military helicopter malapit sa Washington.
Kinumpirma ni Philippine National Police na kabilang si Police Col. Pegentino Malabed Jr., hepe ng PNP Supply Management Division, sa mga pasahero na lulan ng Americal Airlines flight na nakasalpukan ng Black Hawk helicopter malapit sa Reagan National Airport at bumagsak sa Potomac River.
Nasa official travel si Malabed, 51, nang mangyari ang insidente.
Si Col. Malabed po ay may kasama siyang isang PNCO at isang NUP. Meron po silang foreign travel authority upang pumunta sa India for inspection po ng 2,675 na armored vests na bibilhin ng PNP. Siya po ay nakarating sa India last January 22 from Manila,” ayon kay PNP Public Information chief Colonel Randulf Tuaño sa press briefing sa Camp Crame, Quezon City. Ang ginawa po nila, napag-alaman natin sa ating foreign liaison division, out of the 2,765, nagtest po sila ng anim. Yung isa iiwan nila sa India at yung lima dadalhin nila sa shop ng kumpanyang ito sa USA, kung saan gagawin ang final testing ng bibilhin natin,” dagdag niya.
Ayon kay Tuaño, mula Kansas, bumiyahe si Malabed para sana mag-courtesy call kay Police Attache Colonel Moises Villaceran Jr. sa Washington D.C.
“Yung papunta ng Manila to India kasama niya [ang dalawang staff]. From India to Kansas, USA, umalis po sila ng January 27. Ang usapan nila, resources ang pinag-uusapan, instruction sa kanila ng director ng logistics ay mag-courtesy call o exit call si Col. Malabed kay Gen. Moises Villaceran, ang ating police attache sa Washington,” saad niya.
Naghahanda na sa paglapag ang American Airlines 5342 nang mangyari ang salpukan.
Ayon kay Tuaño, nakilala si Malabed na kasama sa mga nasawi batay sa mga dokumento, tulad ng flight manifest at pasaporte.
Ang initial, inidentify ng Washington Police based on documents. Meaning, ang pagkakakilanlan nila is unofficial. Ang sinasabi nila sa US, magiging official lamang pagdating ng kin, particularly,ng kanyang asawa, upang i-identify po ang cadaver,” paliwanag ni Tuaño.
“May mga narecover na body, 30, initial reports sa atin ni Mr. Jaime Ramon Ascalon, siya po ang deputy chief of mission natin sa Philippine Embassy… Pero initially, yung e-ticket din kasi ang pinagbasehan na kasama siya sa flight manifest at yung passport na nakuha sa 30,” pagpapatuloy niya.
Kasalukuyang iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ng US ang naturang insidente.
Kinontak na rin ng PNP ang asawa ni Malabed para magpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng naturang pulis.
“Ngayon, tinutulungan po ng PNP ang kanyang asawa, inaayos na ang pagbili ng ticket papunta ng US. Aasikasuhin po siya pagdating doon ng ating mga police attache,” sambit ni Tuaño.
Sinabi niya na ibibigay ng PNP ang lahat ng kinakailangang suporta sa pamilya ni Malabed sa panahong ito ng pagsubok.
“His untimely passing is a profound loss to the PNP, where he served with honor, integrity and dedication throughout his career,” aniya.
Si Malabed ay miyembro ng Philippine National Police Academy Class of 1998.
More Stories
AKBAYAN: PANAHON NA PARA I-IMPEACH SI VP SARA (Anong petsa na?)
PAGPAPALAYAS SA MGA ILLEGAL POGO WORKERS SA BANSA MINAMADALI NA NG BI
150 PDL IBINIYAHE SA LEYTE