May 18, 2024

‘ER’ EJERCITO , INARAL MABUTI ANG ROLE BILANG SI PBBM MARCOS SR. SA ‘LOYALISTA: THE UNTOLD STORY OF IMELDA PAPIN’ MOVIE

KAMUKHA na niya ang ating dating Presidente ng Pilipinas, kaya siguro ipinagkatiwala sa kanya ang mabigat na papel bilang si Ferdinand Marcos.

“Kung alam n’yo lang na talagang inaral ko ang bawat galaw, pananalita, pagtayo, paglalakad at pagharap sa to tao. Pati iyong kabuuan ng hitsura niya, talagang ginaya ko at pinagaralan kong mabuti.

“Sabi nila nakuha ko naman, at nang makita ko nga iyong poster ng ‘Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin’ na pa bilib ako; dahil parang hindi na ako iyong nasa poster.

“Nabigyan ko naman ng justice iyong role ko, feedback nga nila maraming nagsasabi na ala Marcos daw talaga ang dating ko. Pinagbuti ko talaga kasi, ayaw kong mapahiya sa mga Marcos at sa kanyang mga supporters. Panoorin n’yo na lang, baka sabihin n’yo nagyayabang ako.

“Mabigat iyong na atang sa aking role, kasi pag umaarte na ako nadadala ako sa mga hirap na pinagdaanan niya.” Pagtatapos pa ni Mr. ‘ER’ Ejercito Estregan.

Guys, magkakaroon ng Block Screening ang ‘Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin, ‘ this coming December 16, 2023 at 5pm sa Resort World. Suportahan nating panoorin ito para malaman natin kung ano talaga ang sinapit ng mga Marcos, at ni Ms. Imelda Papin ng mag-exile sila after people power.