May 5, 2024

EPAL NA COUP’AL!

HINDI na dapat pinapatulan ang isang laos na  ‘epalitiko na nasa estado kuwatro na ng kabaliwan sa kanyang buhay.

Dahil osla na si coup”al  laking tuwa niya kapag binibigyan pa ng atensyon ang kanyang mga kabalbalang tapang-tapangan , paninira at kabastusan  sa mga nasa poder ng pamahalaan partikular sa pangulo ng bansa.

 Dahil sa sandamakmak na nakurakot ng dating sundalong kanin ay kaya pa nitong umepal  at mag-grandstand kaya pinapatos ng mainstream  biased media dahil may pordaboys na, kasangga pa nila sa pagpapabagsak sa administrasyon na isang suntok sa buwan.

Siya lang naman at ang mga hangal na  kritikong wala sa lugar ang natutuwa sa kanilang kawalanghiyaang gawa na wala nang nagawa para sa kapakanan ng bayan.

Ni hindi nga dapat binabanggit ang kanilang pangalan para patulan  ang kanilang paninira dahil sila naman ang nadidiskaril sa araw-araw nilang panggigiba.

 Ikinagagalak ng dating  solon  na coup’al kapag may kumakagat sa kanyang pitik lalo na iyong mga nagngingitngit sa galit sa kanyang masamang  gimik.

 Tunay na maraming sinirang reputasyon ng tao ang traydor na kumag at patuloy ang kanyang pagiging epal ng diyablo ang ngising demonyo.

 Kaya di na dapat magbabala o mag-warning na mag-ingat sa baliw na trililing na’ to dahil  mga katulad niya lang ang  umaayon at di  na nito magiging kasangkapan ang pagiging kupal para makabalik sa puwesto ang hangal.

 Katulad niya at ang  walang binesang oposisyon na habang maligaya sila sa paninira ay lalo silang nababaon sa kumunoy ng galit ng sambayanan.

 Ang kanilang katapusan ay   mararamdaman sa balota ng ‘bente-dos…ABANGAN!