November 17, 2024

EO 32 NI PBBM IKINATUWA NG GLOBE

Nalulugod ang Globe Group, ang nangungunang digital solutions platform sa Pilipinas, sa Executive Order (EO) No. 32 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nagpapasimple at nagpapadali sa pagkuha ng government permits para sa konstruksiyon ng telecommunications infrastructure.

Ang kautusan ay inaasahang magbibigay-daan sa mas malawak na digital transformation sa bansa, na nakahanay sa layunin ng gobyerno at ng pribadong sektor na mapag-ugnay ang digital divide sa pamamagitan ng pagpapalawak ng access sa digital resources, services at opportunities.

“We are grateful to President Marcos for issuing this EO, which will allow the telco industry and the adjunct TowerCo industry to further ramp up infrastructure builds that will provide life-enabling connectivity in an equitable way across the country. This will help accelerate the country’s digital transformation and open doors for more opportunities to Filipinos in the areas of education, employment and innovation,” wika ni Globe Group President and CEO Ernest Cu.

Ang EO, na inilabas noong July 5, ay nagtatakda ng pinadaling guidelines sa pagkuha ng permits sa pagtatayo ng ICT infrastructure. Sa pag-aalis ng red tape, isinusulong nito ang kapaligiran na kaaya-aya sa mabilis na pag-unlad ng digital infrastructure.

Nakahanda ang Globe, sa malaking investments nito sa network infrastructure, na suportahan ang digital pivot na ito. Ang kompanya ay nakahandang maghatid ng #1stWorldNetwork sa mga Pilipimo, na nakahanay sa tumataas na demand ng bansa sa malakas, maaasahan at inklusibong connectivity.

Bukod sa  kagyat na mga benepisyo ng EO, nagpasalamat din ang Globe sa long-term implications ng kautusan. Sa paglalagay ng one-stop shop para sa construction permits at pagpapatupad ng zero backlog policy, hinihikayat ng EO ang transparency at efficiency sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan at local government units (LGUs) na may kaugnayan sa proseso.

“This EO isn’t just about expediting processes. It’s about setting the stage for a long-term, sustainable digital transformation in the Philippines. It fosters a more inclusive and competitive business environment, spurring innovation that ultimately benefits Filipinos,” sabi pa ni Cu.

Tiwala ang Globe sa hinaharap at nakahandang samantalahin ang mga oportunidad na itinatakda ng EO No. 32.