GANAP ng bagyo ang isang low pressure area (LPA) na namataan na papalabas ng Philippine Area of Responibilty (PAR) na tatawaging Enteng.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 545 kms Silangan Hilagang-Silangan ng Calayan, Cagayan o 445 km Silangan Hilagang-Silangan ng Basco, Batanes.
Taglay na nito ang lakas ng hanging papalo sa 65 kph malapit sa gitna, at may pagbugsong aabot hanggang 80 kph.
Kumikilos ang bagyo pahilaga sa bilis na 30 kph.
Inaasahan namang lalabas ng PAR ang naturang sama ng panahon mamayang hapon.
Samantala, huli namang nakita ang binabantayang low pressure area (LPA) sa bahagi ng West Philippine Sea sa layong 215 km timog-kanluran ng Iba, Zambales o 235 km kanluran ng Subic Bay.
Sinabi ng weather bureau, mababa pa raw sa ngayon ang tsansa na maging ganap na tropical depression ang naturang LPA.
Gayunman, ang habagat na pinaigting ng Enteng at ng naturang LPA ay magdadala ng mga pag-ulan sa Pangasinan, Benguet, Zambales, Bataan, MIMAROPA, at Antique, at manaka-nakang pag-ulan sa Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, at sa nalalabing bahagi ng Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, at Visayas.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?