May 16, 2024

5 million idodonate ni Willie Revillame sa mga jeepney drivers na nawalan ng trabaho

HINDI lang mga drivers na nawalan ng trabaho ang handang tulungan ni Willie Revillame. Magbibigay din siya ng tulong sa mga OFWs ng halagang P100,000 sa bawat pamilyang biktima ng Beirut explosion. Narito ang mga pahayag ni Kuya Willie…

“I am willing to give sa akin pong naipon. Hindi naman ito pagmamayabang ‘no. Ito lang ang pwede kong maitulong sa gobyerno kasi hindi naman ako pwedeng lumapit sa mahal na pangulo na ‘ito ibibigay ko.’ Hindi maganda tingnan. Ang balak ko ho ay magbigay ng P5 million ngayon sa araw na ito at handa ako… at ibibigay sa mga jeepney drivers na talagang namamalimos na.”

Matagal nang tumutulong si Kuya Will, kung inyong matatandaan. Nagbigay ng isang milyon si Willie Revillame at ang management ng kanyang TV program, pambili ng mga gamit ng mga front liners. At sa kanyang show na ‘Wowowin,’ ay patuloy itong nagbibigay ng cash money upang tulong sa kanyang mga followers ng kanyang TV programs.