Nagpapagaling na ngayon si dating Senator Juan Ponce Enrile sa Makati hospital matapos tamaan ng coronavirus disease.
Sa kanyang Facebook post, inihayag ni Enrile na nagpositibo siya COVID-19 at sumalang sa anti-viral treatment. Naka-confine ngayon ang 98-anyos na dating senador sa Makati Medical hospital simula pa nitong weekend.
Sa kabila ng kanyang karamdaman, tiniyak ni Enrile sa mga kaibigan at kritiko na hindi pa nalalapit ang kanyang kamatayan. Tiwala siya na gagaling sa tulong ng kanyang mga doktor.
“To all my FB friends, critics, and enemies: Please bear with me. I am in the hospital. To my critics and enemies: Do not clap with glee. I am not going to die yet. Far from it,” aniya sa kanyang Facebook post.
“God gave me very good doctors. He want me, I humbly think, to stay here for sometime more to engage you to help clear and clean up, if possible, your distorted narrative of our history for the benefit of the uninformed innocent people,” dagdag niya.
Sa ngayon, si Enrile ay na-diagnose na may mild COVID-19 pneumonia. Wala siyang lagnat o headache ngunit may dry cough. “Normal” din ang kanyang physical vital signs at blood chemistry readings.”
“I never had any discomfort. No chills. No fever. No head ache. No malaise. My body temperature ranges from 36* to 36.8*. My body oxygen ranges from 96 to 99,” saad niya.
“The only thing I had was a dry intermittent, sometimes intense, coughing The CT-SCAN showed that I had mild COVID-19 pneumonia,’ dagdag pa nito.
Dahil sa kanyang COVID illness, malabong makadalo si Enrile sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. Matatandaan na itinalaga ang dating senador bilang incoming Chief Presidential Legal Counsel ni Marcos.
“I informed the the Executive Secretary the Hon. Victor E. Rodriguez, about it and requested him to inform the President and ask him that I be excused from attending the oath taking ceremonies of the President and the Vice President on June 30th at noon because I will still be in the hospital by then to complete the Anti-viral regimen prescribed by my doctors,” aniya.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY