Namayani ang Boston Celtics kontra Toronto Raptors, 92-87 sa pivotal Game 7 ng Eastern Conference semifinals.
Dahil dito, pasok na sa Eastern Conference finals ang Celtics (4-3). Haharapin nila ang Miami Heat sa Miyerkules sa Game 1.
Bumida sa panalo ng Boston si Jason Tatum na nakalikom ng 29 points, 12 boards at 7 assists.

Nag-ambag naman si Jaylen Brown ng 21 points at 8 rebounds. Gayundin si Marcus Smart na nagbuslo ng 16 points, 6 assists at 3 steals.
Naging dikdikan ang laban mula sa umpisa hanggang sa huli. Ilang beses din lumanang sa isa’t-isa ang magkabilang team. Gayundin ang lead changes.
Ngunit, malaking bagay ang Kyle Lowry dahil sa 6 fouls sa fourt quarter. Nanguna naman sa Raptors si Fred Vanleet na kumamada ng 20 points at 6 assists.
Umalalay naman si Lowry sa pagbuslo ng 16 points, 6 boards at 4 assists. Narito ang stats sa Celtics-Raptors sa Game 7.
BOS:Jayson Tatum: 29 Pts. 12 Rebs. 7 Asts. 1 Stls. 1 Blks. Jaylen Brown: 21 Pts. 8 Rebs. 2 Asts. 4 Stls. Marcus Smart: 16 Pts. 2 Rebs. 6 Asts. 3 Stls. 1 Blks. Kemba Walker: 14 Pts. 6 Rebs. 4 Asts. 2 Stls. 1 Blks.
TOR:Fred VanVleet: 20 Pts. 3 Rebs. 6 Asts. 2 Blks. Kyle Lowry: 16 Pts. 6 Rebs. 4 Asts. Serge Ibaka: 14 Pts. 8 Rebs. Pascal Siakam: 13 Pts. 11 Rebs. 3 Asts. 1 Blks. Norman Powell: 11 Pts. 3 Rebs. 1 Blks.
More Stories
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo
BENHUR ABALOS SUPORTADO ANG LABAN NI AGM BERNARDINO SA AUSTRALIA