Binawi ng Quezon City Business Permits and Licensing Department (BPLD) ang inilabas na temporary closure order sa En Route Distillery Bar sa Tomas Morato.
Ayon sa BPLD, sumunod ang naturang bar sa kondisyon at protocols, matapos itong isara noong Hulyo 12 dahil sa paglabag sa safety standards at sa umiiral na national at local quarantine guidelines.
“We were quick to close down violators, but we also support their reopening as soon as we are assured that they are complying with ordinances, laws and guidelines,” wika ni BPLD head Margie Santos
Gayunpaman, tatlong bar sa naturang lungsod ang pinawatan ng temporary closure order ng BPLD sa patuloy nitong pagsasagawa ng random inspection sa mga establisyimento.
Ayon sa reports, ang mga ipinasara ay ang Guilly’s Island Restaurant and Bar at Karma Lounge sa Tomas Morato, at Batcave Music Bar sa Visayas Avenue.
Nahuli umano ang Guilly’s na expired na ang business permit. Naticketan sa operasyon ang 29 empleyado at 10 kustomer ng naturang bar.
Ang Karma Lounge naman ay nahuling nilalabag ang health protocol at expired na rin ang mayor’s permit. Wala ring occupational permit at 30 sa mga empleyado nito.
Samantala, ang Batcave naman ay nadiskubreng lumalabag sa health protocols.
Napag-alaman din na lumalagpas sa public safety hours ang operasyon ng mga bar na ito.
More Stories
Faith in Action: A Christmas of Compassion and Giving
PROSESO NG BIDDING PARA SA PAGPAPATAYO NG BAGONG CRUISE PORT SA PUERTO GALERA, SINIMULAN NA
Rider na walang helmet, huli sa shabu sa checkpoint