
Masaya ang aktres na si Elizabeth Oropesa sa pagkaproklama ni BBM bilang ika-17 Pangulo ng bansa. Kilala si ‘La Oro’ bilang Marcos loyalist. Supporter din siya ng yumaong dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.
“36 yrs ka naming hinintay! Luha ng kaligayahan… Sobrang saya! Salamat po Ama!” sabi ng aktres.
Sa isa pang Facebook post, ibinahagi ng aktres ang picture ni PBBM noong kabataan nito.
“My President!” nakalagay sa caption. Bukod kay La Oro, masaya rin ang aktres na si Ai Ai De las Alas sa pagkaproklama ni BBM.
“It’s official… congratulations po sa ating Bise Presidente VP INDAY SARA DUTERTE, at sa ating Presidente ng Republika ng Pilipinas PRESIDENT FERDINAND R. MARCOS JR. GOD bless you both. GOD bless the Philippines,”saad Ai Ai sa kaniyang Instagram.
More Stories
Sarah Lahbati, nali-link sa anak ni House Speaker Romualdez
“MAY PROBLEMA KA BA SA MAY AUTISM?” — DENNIS TRILLO, NAG-INIT ANG ULO SA BASHER NG ANAK NI JENNYLYN
Liza Soberano, Tampok sa Filipino Heritage Night ng MLB sa U.S.