SINIMULAN nang isagawa ang ilang series ng electrical maintenance activities sa NAIA Terminal 1 at 2, bilang bahagi ng pag-upgrade ng ongoing electrical support systems sa NAIA.
Napag-alaman mula kay public affairs office chief Connie Bungag ng Manila International Airport Authority (MIAA) na kasama rin sa iasalilam sa maintenancy ay ang ang International Cargo Terminal, MIAA Administration Building, at airfield na inaasahang matatapos hanggang March 7 ngayong taon.
Ayon kay Bungag, bagamat may kaunting abala ang mararanasan sa ilang lugar ngunit tinitiyak nito sa riding public na ang mga critical system na ginagamit para sa pagproseso ng pasahero ay mananatiling operational.
Tiniyak din nito na walang magiging epekto sa schedule ng trabaho at sa flight operation.
Una nang nagkaroon ng pagpupulong ang MIAA at Meralco, mga stakeholders, at service provider upang ipaalam sa kanila ang naka-schedule na power maintenance, upang matiyak na hindi maantala ang mga flight at paggalaw ng mga pasahero sa panahon ng aktibidad.
More Stories
Matapos hiwalayan ng asawa… CHLOE SAN JOSE MAY BUWELTA KAY AI-AI: ‘BACK TO YOU, MAMANG’
NON-COMPLIANT ONLINE STORES IPA-‘PADLOCK’ NG BIR
PNP HANDANG TUMULONG SA POSIBLENG PAG-ARESTO NG INTERPOL KAY DIGONG