INATASAN na ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Lorenzo Eleazar si QCPD Director PBGen. Antonio Yarra para sa gagawing malalimang imbestigsyon tungkol sa nangyaring pamamaslang sa isang tabloid business executive sa Quezon City nitong martes ng hapon.
Base sa pahayag ni PGen Eleazar tinitingnan na ng PNP ang lahat ng anggulo para mabatid kung ano ang motibo sa pagpatay at matukoy ang mga nasa likod niyon.
“I have tasked the Quezon City Police District to thoroughly investigate this incident. Lahat ng anggulo ay ating titingnan upang malaman ang tunay na motibo sa krimen at madakip ang salarin,” wika ng PNP Chief.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ay binaril sa ulo ang biktimang si Gwenn Salamida ng mga salarin na pumasok sa kaniyang beauty salon sa Quezon City. Binaril din ang partner ng biktima na si Oliver Perona na nasa kritikal na kundisyon ngayon. Pagnanakaw ang unang tinitingnang motibo ng pulisya sa nangyaring insidente.
Nagpaabot na rin ng pakikiramay si PGen Eleazar sa pamilya ng biktima.
“Nakikiramay tayo sa pamilya ng biktima at sisiguraduhin natin na mabibigyan ng katarungan ang kanyang pagkamatay.”
Iniutos na rin ni PGen Eleazar sa lahat ng mga tanggapan at yunit ng pulisya na maging laging naka-alerto laban sa anumang uri ng krimen sa gitna ng kanilang pagpapatupad ng quarantine protocols.
Sinabi din niya na, “I am also directing all police offices and units to sustain anti-criminality operations and to be on alert for criminals who would take advantage of the pandemic. We need to ensure that the public is not only safe from coronavirus infection but also safe from lawless elements.” (KOI HIPOLITO)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA