
Naglista si EJ Obiena ng season-best 5.91 meters upang sikwatin ang silver medal sa Perche Elite Tour sa Rouen, France. Bumuntot lamang ang world’s No. 5 pole vaulter kay Tokyo Olympics silver medalists Chris Nielsen ng U.S.
Nakuha ni Nielsen ang gold medal sa pagposte ng personal-best na 6.05 meters. Ito ang unang silver medal ng 25-anyos na vaulting ace sa indoor season.
Ang naitala niya sa Perch ay bumura sa kanyang record na 5.81 meters sa Orlen Cup at Orlen Copenicus Cup sa Poland. Hindi naiposte ng current Asian record holder ang 6.01m sa height. Na babasag sana sa kanyang Asian outdoor record na 5.93m.
More Stories
Mandaluyong Invitational tourney… ‘MIGHTY 9’ NG GSF RAVEN TANAY SIKARAN
LOUIE SALVADOR NG ‘PINAS NAGHARI SA FIDE-RATED CHESS TILT SA THAILAND
SANDRA BAUTISTA NG PILIPINAS KAMPEON SA BURBANK TENNIS TILT SA L.A CALIFORNIA