
Nasiguro ni EJ Obiena ang kanyang spot sa pole vault final sa World Athletics Championships. Ang nasabing torneo ay idinaos sa Hayward Field sa Eugene, Oregon, USA. Kabilang si Obiena sa Top 12 performers na nag-qualified sa medal round.
Naglista ang 26-anyos na Pinoy vaulter ng 5.75m. Bukod tanging Asian na nag-qualify sa World Athletics at target na unang Pinoy na makasungkit ng medal.Puntirya rin nito ang madagdagan ang 6 na medalya na nakopo ngayong taon.
Gayunman, makahaharap niya ang bigatin sa mundo sa nasabing torneo. Gayunman, wala naman aniyang imposible na magawa niya ang kanyang tasks.
More Stories
National Open C’ship sa Kalibo… RAVEN SIKARAN TANAY READY NA SA BAKBAKAN SA AKLAN!
PH WNM Arvie Lozano kampeon sa Laos FIDE Standard Chess tilt
TNT binanderahan ni Almond Vosotros sa 94-70 panalo vs NorthPort