Masaya si pole vaulter EJ Obiena sa kanyang perpormans sa final ng World Athletics Championships. Nakapagtala siya ng history ng torneo para sa sarili at para sa bansa. Kung saan, nalundag niya ng bronze medal sa patimpalak na idinaos sa Eugene, Oregon, USA.
Na-reset din ni Obiena ang kanyang Asian record at personal best na 5.94-meter clearance.Nagawa niya ito sa ikalawang pagtatangka. Siya rin ang kauna-unahang Pilipino na pumalaot sa world championship stage.
“I definitely did not expect that I would jump that high. And I would not think that it would actually take that high to win a medal,” ani Obiena.
Nagtangka si EJ na itala ang 6.00m. Subalit, hindi niya nagawa sa tatlong pagtatangka.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!