Itinarak ni EJ Obiena ang kanyang kampanya sa Diamond League finals sa pagtatapos sa fourth place. Nagtala si Obiena ng 5.83-meter clearance sa torneo na idinaos sa Stadion Letzigrund sa Zurich, Switzerland.
Tinangka pa ng current top Asian pole vaulter na maitala ang new Asian record na 5.93 meters.
Ngunit, hindi na niya nakuha matapos ang tatlong attempts sa pag-igkas. Nakuha niya ang 5.83 sa kanyang second attempt. Kapos ng 10 metro para maungusan ang 5.93 meters.
Gayunman,nagbulsa naman siya ng $4,000 sa finals. Hindi pa kasama rito ang kanyang earning sa ilang legs prior o sinalihang series ng kompetisyon. Si SwissArmand Duplantis ang nagwagi sa Switzerland jump matapos itala ang 6.6 record sa finals. Siya rin ang nagwagi ng gold medal sa Tokyo Olympics sa nasabing sports.
Sinundan siya ni Sam Kendrick (2nd) at Russian Timur Morginuv sa 3rd place.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!