
Mabibiyayaan si EJ Obiena ng P250,000 mula sa Philippine Sports Commission (PSC). Ito ay bilang cash incentive sa Pinoy pole vaulter dahil sa naitalang new record kamakailan.
Binasag ni Obiena ang recent pole record nang sumalang siya sa Meeting de Paris Wanda Diamond League sa France.
Nagtapos si Obiena ng silver matapos ilata ang 5.91 meters. Na bumura sa kanyang dating record na 5.87 sa Poland nitong nakaraang June.
Kinumpirma ni PSC acting executive director Atty. Guillermo Iroy ang tungkol dito. Na opisyal nilang bibigyan ng reward si Obiena. Ito’y kapag na-certify na ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanyang feat.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT