
Nagtapos si EJ Obiena sa fifth place sa 2021 Wanda Diamond League Lausanne leg sa Switzerland. Ito ang unang salang ng Pinoy pole vaulter matapos ang Tokyo Olympics stint.
Nakaalpas ang world number 6 pole vaulter sa 5.52 meters. Ito ang pinakamababang height cleared na naitala niya ngayong season.
Nakatabla nito sa spot si KC Lightfoot ng USA at Ethan Cormont ng France. Sa kabuuan, nakaimpok si EJ Obiena ng 9 points.
Matapos nito, naghahanda naman ang 25-anyos na vaulter sa pagrekta ng serye sa Paris sa next leg ng torneo.
Sisikapin ni EJ na ma-improve ang kanyang tala sa pagsalang sa Paris bukas ng umaga.
More Stories
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo
BENHUR ABALOS SUPORTADO ANG LABAN NI AGM BERNARDINO SA AUSTRALIA
Reyes ‘di sinanto ang mga kalaban sa 2025 Santa Maria Town Fiesta Chess Challenge