May 5, 2024

‘EGAY’ POSIBLENG TUMAMA SA LUPA SA NORTHERN LUZON

ITINURO ni weather specialist Ana Clauren ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang kasalukuyang posisyon ni Bagyong Egay.

Nabuo bilang bagyo si Egay sa karagatan ng Pilipinas at kumikilos patungong kanluran. Mayroong itong lakas na hangin na 70 kph  at inaasahang tatama sa kalupaan sa Northern Luzon sa Linggo o Lunes.

Inilagay ng PAGASA sa Signal No. 1 ang Batanes, Babuyan  Islands at Calayan Islands.

Inaabisuhan ang publiko na maging maingat sa posibleng pagbaha, pagguho ng lupa at malakas na hangin dulot ng Bagyong Egay.