
NAGPAHAYAG ng kanilang pasasalamat sina Navotas Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagpili sa Navotas bilang pilot site para sa “e-PANALO ang Kinabukasan,” isang programang nagsusulong ng digital financial literacy at pagsasama para sa mga benepisyaryo ng 4Ps.
Ang unang batch ay kinabibilangan ng 50 miyembro ng 4Ps na nakatanggap ng mga mobile phone para tulungan silang mag-navigate sa mga digital na transaksyon at financial platform.
May 852 4Ps beneficiaries na dumalo sa launching ang nakatanggap din ng P2,000 na tulong pinansyal.
“Malaki ang pasasalamat natin sa DSWD sa pagpili sa Navotas bilang unang lungsod sa NCR na makikinabang sa e-PANALO program. Sa pamamagitan nito, mas mapapabilis at mapapadali ang pagbibigay ng tulong sa ating mga 4Ps beneficiaries,” ani Tiangco.
“But more than that, we are equipping them with knowledge and skills in digital technology while helping them build a stronger foundation in financial literacy,” dagdag niya.
Pinuri rin ni Tiangco ang DSWD, sa pamumuno ni Sec. Rex Gatchalian, para sa paninindigan nito sa pagbabago sa mga serbisyong panlipunan.
“Muli, taos-pusong pasasalamat sa DSWD, sa pangunguna ni Sec. Rex Gatchalian, sa pagpapalawak ng programang ito. Hindi lang natin ginagawang mas accessible ang tulong pinansyal—binibigyan natin ang ating mga 4Ps beneficiaries ng kakayahan para mas maging handa sa digital at financial landscape ng ating panahon,” pahayag ni Cong. Tiangco.
More Stories
‘Roque is irrelevant in Duterte’s case before ICC’ – Remulla
PAGPAPATAYO NG BAGONG SABUNGAN SA TAYTAY, INALMAHAN
$200-M Hive Hybrid Data Center opisyal nang binuksan