Kinapos ang E-Gilas Pilipinas upang maidepensa ang title matapos i-sweep ng Australia sa grand finals ng Southeast Asia-Oceania conference ng FIBA Esports Open II.
Dinaig ng Aussies ang Filipino NBA2K standouts sa Oceania champion sa kanilang best-of-three titular showdown, 0-2.
“It was a very disappointing loss because I felt that we could’ve done more,” saad ni E-Gilas coach Nielie “Nite” Alparas.
“We fought hard and stayed focused but their momentum was unstoppable.”
“Nonetheless, we are moving forward and looking at this setback as one of our stops in setting and establishing our team as one of the best,” aniya.
Nagtapos ang E-Gilas ng 5-1 record sa eliminations. Gayunman, nalaglag sila sa Australians sa iskor na 62-54.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!