“Tinamad na ba si President sa fight against illegal drugs?”
Ito ang tanong ni Senator Panfilo Lacson kaugnay sa napakaliit na pondo para sa Philippine Anti-Drug Strategy (PADS) sa ilalim ng 2021 national budget.
Sa pagdinig sa Senate committee on finance para sa panukalang budget sa Philippine Drug Enforcement Agency and Dangerous Drugs Board, tinanong ni Lacson kung hindi na ba kasama ang anti-drug fight sa mga pangunahing prayoridad ng administrasyong Duterte.
“Of course, the drug problem, ito yung one of the top priorities of the administration even when the President took over in 2016. That is the reason why in 2018, he issued [Executive Order] 66,” ayon kay Lacson.
“I’m sure some of our colleagues will ask this question, kung ang policy natin ay nasa top priority natin yung laban sa illegal drugs, bakit minuscule yung budget na binigay sa PADS. Not DDB, not PDEA but PADS?” tanong niya.
Sinabi ni Lacson na hindi niya mapagtanto kung bakit ang budget para sa PADS ay wala pa sa isang porsiyento ng P4.5 trillion national budget para sa 2021.
“Multi-agency approach ito, hindi ito DDB at PDEA compare mo sa 4.5 trillion budget ilang percent yan? I think that is 0.4 percent of the 4 plus trillion budget ang 2 billion plus for PADS,” aniya.
Sa panukalang P2 bilyong budget allocation sa PAADS, P1.2 bilyon ay ibibigay sa Department of Health habang P644 milyon naman sa Department of Interior and Local Government kabilang ang P546 million para sa PNP.
Ano ba ang treatment as per your strategy? Is this more of a law enforcement issue than a health issue? So, sa law enforcement, ang component niya 25 percent. Is that really the strategy?” tanong niya.
Bilang sagot, sinabi ni DDB Undersecretary Benjamin na dapat ipatupad ang “balance approach” sa pagtugon sa problema sa ilegal na droga.
“Dapat talagang 50-50 (ang approach) you cannot leave behind one component,” ani ni Reyes.
Nakipag-coordinate na rin aniya ang DDB sa 61 ahensiya para isumite s akanilang ang kanilang financial plan para sa PADS subalit apat na ahensiya lang ang isinama ng DBM sa ilalim ng 2021 National Expenditure Program (NEP).
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA