December 25, 2024

DUTERTE: MGA AYAW MAGPABAKUNA, ‘BAWAL LUMABAS

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pulisya at mga barangay captain na huwag palabasin ang mga tao na ayaw magpabakuna, sa hangaring mapigilan ang pagkalat ng kinakatakutang Delta variant ng COVID-19.

“Ang mga barangay captain na lang, ‘pag ayaw nila magpabakuna ‘wag silang palabasin ng bahay,” saad ni Duterte sa kanyang ulat sa mga bayan nitong Miyerkoles ng gabi.

‘Pag lumabas kayo ng bahay, sabihin ko sa mga pulis, ibalik ka doon sa bahay mo,” dagdag nito.

Ayon sa Presidente, kilala ng mga barangay captains ang mga bakunado at hindi pa nababakunahan sa kanilang lugar.

Dagdag pa ng pangulo na para makatulong ang mga ayaw magpabakuna ay mabuti pang hindi na sila lumabas para hindi pa tumaas pa ang bilang ng Delta variant.

Aminado ang pangulo na walang batas na nagbabawal sa mga ayaw magpabakuna na lumabas kaya ito ang naisip niyang paraan kung saan handa niyang sagutin ito sa krote.

Noong Hulyo 27, tanging 6.8 milyon na Filipino o 6.2% na populasyon, ang fully vaccinated na. Tanging 10% lamang ng populasyon ang nakatanggap ng kanilang first dose.