ITINANGGI ng Malacañang ang mga lumutang na ulat ukol sa pag-alis umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ng bansa, sa gitna ng krisis ng COVID-19.
Sa isang statement, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na nandito sa bansa ang chief executive at mahigpit na binabantayan ang sitwasyon ng pandemya.
“There is no truth that President Rodrigo Roa Duterte left the country this weekend,” ani Sec. Roque.
“The Chief Executive is in the Philippines and closely monitoring the COVID-19 situation in the country,” dagdag ng opisyal.
Bukas inaasahang maghahatid ng anunsyo ang pangulo ukol sa estado ng community quarantine sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal, na pare-parehong nasa modified enhanced (MECQ).
Ngayong Linggo, pumalo na sa 112,586 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa Pilipinas dahil sa 3,420 na bagong kaso ng sakit.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY