Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ng isang task force para mapabilis ang ginagawang rebilitation efforts sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Ulysses.
Sa kaniyang public address, araw ng Sabado (November 14), sinabi ng pangulo na gumagawa ang gobyerno ng mga patakaran para makabangon ang mga apektado ng bagyo.
“I directed them to streamline para madali ang rehabilitation efforts affected by the typhoon,” pahayag ng pangulo.
Sinabi pa nito na sa ang nasabing task force, may kasamang representante mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
“Binibigyan ko sila ng timeline para gumawa ng mga hakbang na iyan na walang delay at cut ‘yung red tape para mabilis ang takbo ng tulong sa tao,” paliwanag nito.
Nais kasi aniya niya ang agarang pagbibigay ng tulong sa mga apektadong tao ng bagyo. Tiniyak din ng pangulo na nagpadala na ang gobyerno ng mga responder para sagipin ang mga stranded na biktima ng Bagyong Ulysses.
More Stories
DOF: RECTO NAKAKUHA NG STRONG AI INVESTMENT INTEREST SA WEF
COMELEC IPINAGPATULOY PAG-IMPRENTA SA MGA BALOTA (Matapos ang ilang ulit na pagkaantala)
MPD, MAGPAPATUPAD NG ‘ROAD CLOSURES’ PARA SA PAGDIRIWANG NG CHINESE NEW YEAR