November 23, 2024

Proseso’y ayusin upang dumating ng maaga ang COVID-19 vaccine

Magandang araw mga Cabalen. Kamusta ang buhay. Muli na naman tayong tatalakay sa mga isyu sa ating lipunan.

Habang kinakaharap pa natin ang COVID-19 pandemic, may nababanaag ng pag-asa. Sinabi ng kinauukulan na darating raw sa bansa ang bakuna sa huling linggo ng Marso.

Ang bakuna ang magsisilbing elixir natin sa virus. Ito rin ang hudyat sa unti-unting pagbabalik sa normal ng tuluyan.

Una nang sinabi ni vaccine Szar Carlito Galvez Jr. at ng DOH, na darating ang bakuna kapag maayos na ang transaction.

Ika naman ni Pres.Spokesperson Harry Roque, sa Pebrero 15 daw. Tapos nang di dumating, ngayong araw naman daw.

Pero, nasaan?  Kaya, nalilito ang ating mga kababayan sa paiba-ibang anunsiyo. Nahuhuli tuloy tayo sa karatig natin bansa sa Southeast Asia.

Dumating na kasi ang bakuna’t sinimulan nang bakunahan ang kanilang nasasakupan.

Kabilang na rito Laos, Myanmar, Singapore, Cambodia, Vietnam at Indonesia. Nagsagawa na rin ng mass vaccination sa Bangladesh.

Naiinip na tuloy ang ating mga kababayan. Kaya, muling nagsalita ang Pangulong Duterte tungkol dito. Na madaliin na ang proseso ng pagdating ng vaccine.

Tungkol sa bakuna, may pumupuna sa pagka-antala nito. Pero, ang iba, ayaw namang magpabakuna. Ayaw ng iba na sabihin ang dahilan.

Ang iba naman ay naniniwala sa haka-haka na isa raw population genocide ang vaccine. Na ito raw ay pakana ng Illuminati at ni Bill Gates. Ano ba yan!

Nakakaloko di po ba? Sa ganang atin, dumating na sana sa lalong madaling panahon ang bakuna. Sa gayun ay may proteksyon tayo.

Nais na nating bumalik sa normal ang lahat. Habang di pa dumarating, dapat pa ring mag-ingat. Sundin ang health protocols.

Kailangan pa nating magtiis, mga Cabalen. Harinawang bumuti na ang buhay nating lahat. Sa gayun ay maalis na ang takot at pangamba natin sa salot na pandemyang ito.