Patuloy ang pagbuhos ng tulong para sa mga biktima ng Bagyong Bising mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Hanggang ngayong araw, nanatili sa alert status ang disaster team mula sa regional o field offices ng DSWD at patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan.
Mayroong stockpiles at standby fund ang DSWD-Bicol ng higit sa P36 milyon – halos P15.8 milyon na halaga ng non-food items at 25,720 family food packs na aabot sa P11.1 milyon.
Nahakahanda na ring ipamahagi ng DSWD-Eastern Visayas ang food supplies at standby fund na nagkakahalaga ng P44 milyon.
Mayroon pa ring 4,511 pamilya o 18,603 katao ang inilikas na nasa 252 evacuation center sa Cagayan Valley, Bicol, Eastern Visayas at Caraga, ayon sa ulat ng DSWD’s Disaster Response Operations Monitoring and Information Center nitong Miyerkoles ng gabi.
More Stories
MIAMI HEAT HINDI ITI-TRADE SI JIMMY BUTLER
PRESYO NG MGA BILOG NA PRUTAS NAGMAHAL NA
LOLO DEDO SA SINTURON NI HUDAS; 125 BIKTIMA NG PAPUTOK