UMABOT sa mahigit P.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, Miyerkules ng madaling araw.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni District Drug enforcement Unit (DDEU) chief P/Lt Col. Robert Sales ang naarestong suspek na si alyas “Bong”, 53, at residente ng Brgy. Ugong.
Ayon kay Lt Col. Sales, ikinasa ng kanyang mga tauhan sa pangunguna ni PSSg Ronilo Tilano ang buy bust operation matapos ang magpositibo ang natanggap nilang impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta ng suspek ng shabu.
Nang tanggapin umano ng suspek ang P500 markadong salapi mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba ng DDEU sa loob mismo ng kanyang bahay sa No. 6184 Balanti St., Brgy. Ugong dakong alas-4:20 ng madaling araw.
Nakumpiska sa suspek ang humgi’t kumulang 65 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P442,000.00, buy bust money, at cellphone.
Kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drug) under Article II of RA 9165 ang isasampang kaso ng pulisya laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
More Stories
6 ORAS NA MARTIAL LAW DRAMA SA N. KOREA NAGDULOT NG TAKOT
ANTHONY JENNINGS NILINAW NA MAGKAIBIGAN LANG SILA NI MARIS RACAL
TOLENTINO: SUSPENSIYON NG LTO PLATE DEADLINE, TAGUMPAY PARA SA MGA RIDER