SWAK sa kalaboso ang isang hinihinalang tulak ng iligal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng shabu nang makalawit ng pulisya sa buy bust operation sa Valenzuela City, Martes ng hapon.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas Hapon, 64, residente ng Quezon City.
Ayon kay Col. Cayaban, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Joan Dorado hinggil sa umano’y pagbibenta ng iligal na droga ng suspek.
Nang magawa nilang makipagtransaksyon sa suspek, agad bumuo ng team si Capt. Dorado sa pangunguna ni P/Lt. Johnny Llave saka ikinasa ang buy bust operation kung saan pumayag umano ang suspek na sa Brgy. Gen T De Leon gaganapin ang kanilang transaksyon.
Nang matanggap ang pre-arrange signal mula sa kanyang kasama na nagpanggap na poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng shabu sa kanilang target ay agad lumapit ang back-up na operatiba saka inaresto nila ang suspek dakong alas-5:30 ng hapon sa Gen. T. De Leon Rd. Beside Liembest Lechon Manok.
Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 30 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P204,000.00, buy bust money na isang P500 bill at 6 pirasong P1,000 boodle money, P1,500 recovered money at cellphone.
Ayon kay PMSg Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa nila sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA