NASAWI ang isang 45-anyos na truck driver nang sumalpok ang kanyang minamanehong sasakyan sa likuran ng isang trailer truck sa Segment 10 ng North Luzon Expressway (NLEX) sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-arrival sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Levi Plopino, ng 57 M. Gregorio St. Canumay, Valenzuela City.
Sa ulat ni traffic investigator P/Cpl. Joemar Panigbatan kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, tinatahak ng trak na minamaneho ng biktima ang kahabaan ng Segment 10 ng NLEX na sakop ng Sangandaan patungong C-3 Road dakong alas-8 ng gabi nang sumalpok siya sa hulihang bahagi ng sinusundang trailer truck na minamaneho ni Joseph Kabiling, 31, ng Concepcion, Lubao, Pampanga.
Sa lakas ng pagkakasalpok, nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ang biktima kaya’t mabilis siyang isinugod ng ambulansiya sa naturang pagamutan subalit, hindi na rin umabot ng buhay.
Dinala naman sa Caloocan Police Traffic Bureau ang driver ng trailer truck upang imbestigahan, bago i-prinisinta sa Caloocan City Prosecutor’s Office para sa kasong reckless imprudence resulting in homicide with damage to property na isinampa laban sa kanya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA